Paksa
Patalastas
- 2024.12.20 Minami no Kaze No.56 ay inilabas na
- 2024.10.11 Minami no Kaze No.55 isyu ay inilabas na
- 2024.07.12 Minami no Kaze No.54 isyu ay inilabas na
- 2024.04.05 Minami no Kaze No.53 isyu ay inilabas na
- 2024.01.05 Minami no Kaze No.52 isyu ay inilabas na
Ang Minami Lounge ay ang pinakabuod na lugar para sa pangmamamayang aktibidades at mga gawaing pangmultikultura
Minami Citizen's Activity at Multicultural Lounge (Minami Lounge) ay ang lugar na maaari kang kumunsulta/tumanggap ng mga
impormasyon tungkol sa pangmamamayang aktibidades,humiram ng kuwarto o lugar para sa grupong gawain,tumanggap ng impormasyon
at payo tungkol sa pang araw- araw na pamumuhay (Para sa mga dayuhang residente) at magrehistro/magpadala/sumuporta sa mga
aktibidades ng mga boluntaryo na may kinalaman sa Multikulturang mga aktibidad.
Multikultura
Ang Minami Lounge ay nagbibigay ng mga impormasyon,mga pagpapayo ukol sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga dayuhang residente ng
distrito,kunsultasyon na may kasamang tagasalin,magpakilala ng mga boluntaryo na makakapagpakilala ng kanilang bansa at mga bagay na may kinalaman sa
pangmultikulturang aktibidades.
Ang tanggapan para sa kunsultasyon ng mga dayuhan
Nagbibigay kami ng impormasyon at kunsultasyon layunin sa pang araw-araw na pamumuhay sa iba't-ibang salita sa mga dayuhang naninirahan sa distrito
Kunsultasyon sa mga dalubhasa na may kasamang tagasalin (walang bayad)
Dalubhasa sa mga legal na bagay,pangresidenteng kalagayan (Resident Status) at edukasyon ay puwedeng kumunsulta na may tulong ng tagasalin sa tagalog
Suportang pag-aaral para sa mga bata
Nihongo at suportang pag-aaral na ginagawa sa iba't-ibang paraan para sa Elementarya at Junior High School na mga mag-aaral na galing ng ibang bansa
Mga klase para sa pag-aaral ng wikang hapon
Ang mga klase ng wikang hapon ay isinasagawa ng mga klase ng boluntaryo na nakarehistro sa Minami Lounge at isinasagawa sa Minami Ward
- Urafune Fukugo Fukushi Shisetsu 10F, 3-46 Urafune -Cho, Minami-Ku Yokohama
232-0024 @ - Tawag o pagrehistro sa wikang hapon045-232-9544
- Tawag o pagrehistro sa ibang wika045-242-0888
Pagbukas ng araw | Bukas araw-araw liban sa mga saradong araw (bukas sa panahon ng bakasyon) |
---|---|
Oras ng pagkunsulta at pagrehistro | 9:00~17:00 |
Mga araw na sarado | Sarado tuwing pangatlong Lunes ng buwan, Disyembre 29 hanggang Enero 3 |
- Telepono / 045-242-0897
- Paano pagpunta sa Lounge